11 Days

Eto na ang pinakamahabang stay ko sa La Union right after I started working. Bakasyon grande, di ba? Asa naman ako. Kasi naman po, imbes na bakasyon at gala ang gawa ko, ayun nasa loob lang ako ng bahay nagpapahinga dahil sa sakit.

Unang Check-up

> Blood Test

> Urine Test

(At kailangang sa La Union pa ako magpacheck-up) Una, ala pa akong sweldo that time. Pangalawa ala naman akong Medical Benefits maliban sa PhilHealth at SSS na magbibigay ng onting tulong sa financial needs ko for check-up, which is often times only used when you are confined in a hospital. Na hindi ko naman nagawa kasi hindi naman inadvise ng doctor maliban sa home rest and medication. Pero sa unang check-up ko, ala namang problema sa blood ko maliban sa Urine, which is the infection again. I took medication for 6 days and still have the fever at ang masama nun, nadagdagan na ng sipon at onting ubo. So hindi na naman ako nakapasok sa work. Since I still have my on-off fever, I had my second check-up.

Second Check up

> Blood Test

> Urine Test

Sabi ko sa doctor, “Eto lang po ba ang test na kukunin ko?”. I asked kasi naging pandemic na ang Swine Flu na sakit sa Pilipinas. And the doctor said, “Yes”. So I had my Blood and Urine test again. With my second check up, I still have the infection for my urine and now, Typhoid Fever. So pinalitan ng bago ang anti-biotic ko.

Kasama ng medication at ang pag-aalaga ng aking pinakamamahal na nanay, bumuti naman ang pakiramdam ko. Nawala na ang fever ko maliban na lang sa ubo at sipon ko na sanay mawala na rin after kong i-take lahat ng anti-biotic na nareseta sa akin.

Taz, a day before ako bumalik ng Manila, nabundol iyong aso namin. Si Marimar. Si Marimar eh pandak na mabalbon na aso. Hindi naman sya hybrid pero soobrang sweet ng aso na yan. Since I stayed sa bahay. Mga aso ang naging kasa-kasama ko sa mga tanghaling hindi ako makatulog at pinapapatay na ng nanay ko ang TV. It suddens me kasi buntis pa ata iyong aso. Sayang naman. Isa pang rason na nakakapagpalungkot sa pagkawala nya ay ang pagkamatay nya. When there are other ways that could have been done for the accident to not take place, yet it happened. Haha. At naiiyak na naman ako. For the weeks that I have not been feeling better, that was the time na napaluha ako.

Ang mga bagay na naging malapit at mahalaga sa iyo ay ang mga rason na hindi mo pagsisisihang iyakan.

Sa labing-isang araw na inilagi ko sa La Union ay nabigyan ako ng pagkakataon na makasama ng matagal ang nanay ko. Since housewife lang ang nanay ko sya parati ang kasama ko. Kahit sa pagpapacheck-up. Maraming bagay ang narealize ko when I was with my mom. That life may be simple in La Union but still my parents are getting older. That in the long run, they will also get old. I always tell my mom to take a rest. Pero sa kinalakhan nilang panahon, resting is not really their thing. Ang nanay ko ay ipinanganak noong 1959. Na-experience pa nila ang mabuhay sa ilalim ng mga banyaga. Noong sila ay bata, lahat ng trabaho gawain nila para tulungan ang kanilang mga magulang. Kumbaga kinalakhan na nila ang pagiging masipag. Parang lahat ng gawain kinakarir nila at non-stop talaga iyon. Hayz sana lang pag sinabing magpahinga eh magpapahinga naman ang mahal kong nanay.

“i will miss my loving, erratic, caring mother…” - Bella, Twilight movie

I miss my mom. I really do. It was the first time that I have spent that much time with her.

I salute all the mothers out there. There is no comparison with the love or care that a mother can give to her children. Kumbaga ang mga babae emotionally and physically equipped talaga para maging ina. I wonder if I can surpass or do the same thing as my mom. Hehe I love Her so Much. I really do. I love my family. :)
————————

Lagi lagi napapatanong ako. Bakit may mga taong masama? Bakit may mga mabubuting tao na nasa kalagayang hindi maganda? I often ask this question when people are rude to me. :D
“…God loves our enemies as mush as He does to us, or even the people who insult or wound us, for they are God’s children too…” - Sound of Thunder, Taylor Caldwell

————————

“Money is the root of all evil…” - BillBoard sa kung saan

Is money really the root cause of all evil?

————————

I’ve had enough of my sickness.

I mean hehe, It is tiring being sick. Maraming bagay ang hindi mo magawa. Pati nakakadepress din. Hehe. I was never sick for a long time. Nawawalan ka pa ng pera. For check-up and medications. LoL. Wait… Un. Bow.

————————

I have been dreaming of my Starbucks mug. LoL. Ung dapat magbigay ng mug ibigay mo na. Sabi ko sa iyo gamitin mo ung GC ko, sabi mo bibili ka. Nyahaha!

Also the Ako Mismo Dog Tag. I will be buying 5 tags once they are available. LoL. Sadness ala ako sa Manila when they officially launched it. Huhu.

Sa July pa daw ang availability nun, either sa Bench or sa Mail More and it will be P 40. May mga nagbebenta Online anlaki ng patong. :D P100-250, panalo sila.

Bookmark and Share



Leave a Comment